HeRNIa
I have a hernia when I was born.
No, not physically. It’s in my
heritage, it’s in my lineage, handed down to me by generation, by my great
grandparents. It’s in my name.
Sa tagalog, tawag nila dun, luslos.
Sa hiligaynon, bul-og. Later on, nalaman
ko na ang hernia pala is a medical term, na ang definition ay,
“a protrusion of an organ or
part (as the intestine) through connective tissue or through a wall of the
cavity (as of the abdomen) in which it is normally enclosed called also rupture”
(Miriam-Webster Dictionary)
Naalala ko noon, they used to make
fun of my surname. My teachers, some
friends at ibang tao na pagkarinig pa lang ng apelyido ko, me reaksyon na
kaagad. Majority, amusement.
Lalo na pag doctor o yaong mga
nasa medical fields. Natatawa sila as
if, kasalanan ko na ganun ang apelyido ko.
Eh sa ganun nga ang apelyido ko e.
Iyon na ang surname ng tatay
ko. At ng lolo ko. At ng lolo din niya. Sa kanila ako galing, kaya dala ko na rin ang
surname nila. At di ako nahihiya.
At kahit ano pa ang sasabihin
nila, hindi ko ikahihiya ang apelyido ko.
Ipinagmamalaki ko pa nga e.
Gumawa pa nga ako ng paraan para lalong sumikat ang apelyidong iyan
e. As a tribute to my forefathers.
Gusto kong maalala ako as a hernia
in a different way. Mga hernia daw ay
magagaling kumanta (very much proven kasi marami akong kamag-anak na gifted nga
in that area). Si tatay at ang mga
kapatid ko. Mga pinsan ko at mga
pamangkin. All are living testament to
that.
At meron pa. Ang mga hernia ay matatalino. In this area, ako ay living testament
din. I graduated in college, with
honors. I am stating this, hindi para
magyabang. In a way, gusto ko lang I
prove ang point na you can be somebody kahit ano pa ang apelyido mo.
And through my achievements, I’m
sure proud sa akin ang mga ninuno ko.
Hindi na ako pinagtatawanan sa apelyido ko, bagkus, natutuwa sila sa
pagkanta ko. At sa galing ko.
At sa tingin ko, nagwagi ako.

Comments
Post a Comment