E Ano?

Some people are very particular about the readership of their blog.  Of course, it is also important that you are read.  That's the purpose why you blog.


But then, for me, blogging is not only to be read but it gives me the avenue to air my feelings, to share my thoughts. Me bumasa man o wala.


Kung hindi man mabasa ito, kawalan nila yun...he he he


******


In my previous post, I mentioned about a family who lost a home.  Naawa ako dun sa padre de pamilya.  Pinaghirapan nya ang bahay na ito.  Retired na sya at sana, nagpapahinga na sya at ini-enjoy ang retirement nya.  Kaso, iba ang takbo ng utak ng mga anak nya e.  Lalo na yung pinagmulan ng lahat.  Matatawag ko syang isang malaking failure.  Iyan ang saloobin ng ina nya noong buhay pa ito.  Malaking failure ang anak nya!  


Ni hindi nya natapos ang kurso nito. At wala itong masasabing propesyon.  At walang permanenteng buhay.  At nitong huli naging kabit ng isang me asawang babae.  At ang masakit pa, pati mga anak ng babae, binubuhay pa nya.  At mas binigyang-halaga pa nya ang mga anak ng ibang tao kesa sa sarili nyang mga pamangkin, sarili nyang dugo!  Que horror.  Up to the point na isangla pa nya ang bahay nila.  He sweet-talked his siblings and his father to do this.  Pinangakuan ng pinangakuan na matutubos rin daw ito.  Pangakong nauwi sa wala.


Ngayong pasko, homeless ang ama nya.  Nagkawatak-watak ang mga kapatid nya kasama mga pamangkin nya.  At sya naman ay nandun sa piling ng kabit nya at mga anak nito na hindi naman nya anak.  Ewan ko kung masarap ang paglunok nya ng mga pagkain na handa nila ngayong pasko.  Siguro nga, masarap yun.  Kasi manhid sya!


Ewan kung mababasa nya ito.  Pero duda ako e.  Kasi naka-block na yata ako sa kanya.  Pasalamat nga yun siguro pag hindi nya nababasa ito.  Masakit sa mata e.  Kahit sabihin pa nating manhid sya.


*******


Mga paraan para umasenso:


1.  Be hard working
2.  Use your talent well
3.  Use your capabilities and skill
4.  Study and learn well
5.  Be good at what you are doing
6.  Love your work
7.  Use the thing between your ears
8.  Use the thing between your legs.....


Ha ha ha....Yung pang number 8, marami ang gumagawa nyan.....Umasenso hindi dahil sa kakayahan nya kung hindi sa pag-gamit ng........fill in the blank.


Good day!

Comments

Popular Posts