Qatif Journals


I had been in Qatif, Kingdom of Saudi Arabia during the period October 15, 1990 up to January 31, 1996.

I had written some notes, articles, poems and stories and some were published in Manila Times International Edition.

Minsan naghalungkat ako ng mga gamit ko at natagpuan ko ito, written in pencil.  I-reprint ko rito for posterity.

Here it goes;



July 13, 1995

            I’m into my 15th day here, back from approximately 2-month vacation.  I was excited noong kararating ko pa lang dahil makikita ko na naman ang mga kaibigan ko, particularly J and P.  Pero ang excitement kong naramdaman para sa sa dalawang nilalang na nabanggit ay naglaho nang makarinig ako ng di magagandang balita tungkol sa kanila, tungkol sa naging hatian sa pera na kita sa video tape rentals at recordings.  Nagkabuwayahan daw.

            Na-confirm ko ito nang binigyan na ako ng pera ni J.  Na-confim ko rin ito nang makausap ko si Ato at sabihin n’ya sa akin ang lahat.  (Sabi ko na nga ba, ang malamang na nasabi ni Joefer kung kaharap namin siya noong nag-usap kami ni Ato).  Malaking halaga ang napasakamay nina J at P.  Talagang mga sakim!

            Dahil dito binigyan nila ako ng dahilan para kunin ang video cassette ko sa kanila.  At nagtayo kami ni Jun H. ng sarili naming negosyo.  Hiwalay sa kanila.  Mas mabuti at mas maayos kesa kanila.  Dito ako babangon.  Dito ako babawi.  Ituturing kong malaking leksyon ang nangyari sa pagitan namin.  At isinusumpa kong hindi sila makikinabang sa mga bala namin!

            Bilang panimula nilapitan ko ang kabilang grupo, partikular na si Obet na kasali sa grupong ka-kompetensya nina J at P.  Inalok ko siya ng mga bala.  Nabigyan ko na siya ng isang bala (Intersection).  Umorder pa sya ng mga bala.  Siguradong kikita kami sa kanila.

            Kagabi lang, dinala ko ang listahan ng mga bala sa barracks nina Obet, at habang tumitingin si Donald (ka-grupo ni Obet) sa listahan ay dumaan si P at patingin-tingin lang sya sa amin.  Alam na niya ang tungkol sa bago kong negosyo.  (Hindi ko muna sinabi sa kanila ang balak ko noong kinuha ko sa kanila ang video ko.)  Naikwento ito sa kanila ni Ato.

            Ngayon, alam na nila na kalaban na nila ako sa negosyo.

            Ewan lang kung may isa sa kanila na lalapit sa akin upang umorder ng bala.  Saan nga ba sila kumukuha ng bala?  Nagtitiyaga sila sa bala ng Al-Afra Video na malapit sa barracks nila.  Nagtitiyaga sila sa bala ng Al-Afra na malabo ang pagka-record at minsan ay may arabic sub-titles pa.  Distracting ito sa mga Pilipinong manunuod.

            Nagpapakahirap din sila sa pagpunta sa Khobar para sa kanilang pangangailangan, at kalimitang mga tagalog films ang kanilang kinukuha.  Namamasahe pa sila sa pagpunta lang doon.

            Malaking kaginhawahan din sana sa kanila ang paglapit sa amin para sa pangangailangan nila ng bala.

            Siyempre, me pride (chicken) din sila.  Hindi nila magagawa ‘yon.  Ang paglapit nila sa akin ay isang pag-apak sa kanilang fried chicken.  Kung totoong negosyante sila hindi sila mamemersonal.  Pera ang pinag-uusapan dito.  Di ba, mukhang pera sila?

            Sayang, pinakawalan nila ako.  Hindi nila ako inalagaan ng mabuti.  Noon pa sinasabi ko sa kanila na may mga sources ako ng bala.  They did not took me seriously.  Magdusa sila.  Their loss is Jun’s gain.

            Tungkol naman ito sa iba ko pang mga kaibigan.

            Okey lang si Roger F.  Mataba pa rin siya.  Noong kararating ko pa lang, isa siya sa unang-unang bumisita sa akin.  Kaagad nyang hiniram (at natapos din niyang basahin!) ang mga pocketbooks kong dala.

            Tuwang-tuwa sina Rommel, Jun H. at Ben sa mga dala kong pasalubong para sa kanila.  Mga padala ito ng mga pamilya nila.  Tuwang-tuwa rin si Jun C. sa Jingle Mag na dala ko para sa kanya.

            Nakakalungkot nga lang ang nangyari nitong huli kay Ben.  Na-aksidente siya, mahigit isang linggo na ang nakaraan.

            Tanghaling tapat noon.  Nagba-bike silang pauwi (kasama nya si Grimard) dahil gusto nilang sa bahay na nila sila  manananghalian.  Medyo mabilis  ang takbo ng bike ni Ben.  Pagkarating niya sa isang interseksyon, hindi nya napansin ang isang sasakyan na mabilis din ang takbo mula sa kaliwa ng interseksyon papuntang kanan. Ang naging reaksyon ni Ben nang makarating sa interseksyon ay ang kumanan.  Sa kasamaang palad ay nahagip ng hulihan ng sasakyan ang panghuling gulong ng bike ni Ben.  Tumalsik si Ben.  Patihaya syang bumagsak sa kalsada. Nawalan siya ng malay.  May sugat sya sa ulo, likod at siko.  Tinulungan siyang dalhin sa ospital nina Grimard at ng driver ng sasakyan na nakahagip sa kanya.  Tinahi ang sugat sa ulo at likod ni Ben.  In-x-ray siya at mabuti naman, walang nakitang damage sa ulo at katawan niya.

            Pero pagkalipas ng anim na araw mula nang mangyari ang aksidente, naapektuhan ang pananalita ni Ben.  Nahirapan siyang magsalita.  Nakaramdam siya ng pagkahilo at pananakit ng ulo.  Nagbigay ito ng labis na pag-alala sa amin na mga kaibigan nya.  Pero ayon sa isang doktor na tumingin sa kanya, epekto raw ito ng shock.  Na-alog kasi ang utak ni Ben nang bumagsak siya sa kanyang bike.  Mawawala naman daw ito, subalit lalong bumaba ang morale ni Ben.  Isa pang epekto kay Ben ng pagkahilo niya ang pagkawala ng gana niya sa pagkain, na lalong nagpahilo sa kanya.

            Totoo ngang temporary lang ang nangyari kay Ben.  Sa araw-araw na pagbisita ko sa kanya napapansin ko ang pag-improve ng pananalita niya.  Kagabi, nagkaroon na ng gana si Ben sa pagkain at ito’y ikinatuwa namin.  Si Jun C. ay nagluto ng pansit, pagpapasalamat daw sa pagkaligtas at recovery ni Ben.  At sa unang pagkataon nakakain ng marami si Ben!  Maraming salamat po, Panginoon.


July 18, 1995

            It’s been five days since I last entered my notes here.  In those past five days, nothing much transpired.

            Regarding Ben, well, he’s getting fine.  His speech is 90% back to normal.  He can eat well, now.  His wounds are healing.  His dizziness and headaches are almost gone.  And he has decided to go home to the Philippines.  His boss will shoulder the cost of his plane ticket and this is fine.

            Jun H bought a new hi-fi video yesterday.  We are on the right track now.

            Jamal came two days ago.  We worked in his house.  But it seems he has gone again. (Went abroad?)  I hope he is still here.  I have to ask some cash from him.

            Our business is picking up.  Though, it still needs a good push, but I know we can make it succeed.  Just wait and see.

Comments

Popular Posts