THeY WiLL Be MiSSED



A
rnel Jaena.  Nida Jereza.  Efren Talaban.  Glen Jayme.  Apat na pangalan.  Apat na tao.  Apat na taong di nyo kilala.  Apat na taong iisipin nyo kung sino kaya sila.  Mga ordinaryong tao sila.  Mga karaniwang taong makikita nyo sa pali-paligid.  Nothing special about them.  Just ordinary guys.

Subalit malapit sila sa akin.  Ang apat na taong nabanggit.  Naging bahagi na sila ng buhay ko.  Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang puwang sa puso ko.  May kanya-kanyang alaalang di na mabubura sa aking isipan.

Iyan ang malungkot.  Alaala na lang sila.  Di ko na sila makikita pang muli.  Dahil ang apat na taong nabanggit ay pumanaw na.  Halos magkakasunod lang.  One after the other.  Ang pagkaalam ko sa pagkamatay nila ay sa pamamagitan ng text.  At ng tawag sa cell phone.  Mga nakakagimbal na mga balita.  Nakakalungkot.

S
i Arnel.  Second cousin ko sya sa Bacolod.  Noong nagta-trabaho ako sa Negros, napasyal ako kina Arnel noong namatay ang tatay nya, na first cousin ng nanay ko.  Awang-awa ako sa kanya.  Nagmamaneho sya ng jeep noon para mabuhay nya ang dalawa nyang anak na naiwan sa kanya nang nilayasan sya ng asawa nya.  Kaya tinulungan ko syang makapasok sa pinag-trabahuan kong government agency.  Mula noon  medyo lumuwag na ang buhay ni Arnel.  Mas malaki na ng di hamak ang kinikita nya. At regular pa.

Subalit, me natanggap akong text message mula sa isa kong dating officemate sa Negros, asking me kung alam ko raw ba ang nangyari kay Arnel.  Nasa Maynila na ako noon, nag-resign na ako sa government agency at kino-confirm nya kung totoo ngang namatay daw si Arnel, na during that time, e na-lay-off na rin sa trabaho.  Since I have no idea, ginawan ko ng paraan para ma-confirm ito.  At totoo nga na patay na si Arnel. 

Kumplikasyon sa diabetes ang sanhi ng pagkamatay niya.  Thirty two lang sya.  Noong huli kaming nagkita, hindi ako natuwa sa itsura nya.  Mukha syang nanghihina at nangangayayat.  Pinagsabihan ko pa syang magpa-check up. Oo naman daw, pero alam ko, hindi sya nagpa-check up.  Ayaw lang nyang gumastos pa.

Sa pagpanaw ni Arnel, naiwan ang dalawa nyang anak sa kuya nya. 

Arnel, kung saan ka man ngayon, pasensya ka na.  Hindi ko na nagawa pang kumustahin ka noong ma-lay-off ka sa trabaho.  Ni hindi ko na nagawang mag-text sa yo.  Alam kong nagpapahinga ka na ngayon at alam kong mabigat sa loob mong iwan ang iyong mga mahal sa buhay.  Wag kang mag-alala.  Di naman pababayaan ng kuya mo at ng nanay mo ang mga anak mo.  I-regards mo na lang ako sa tatay mo.

S
i Auntie Nida.  Pinsan sya ng nanay ko.  Naalala ko, nakakasabay ko sya  paminsan-minsan sa jeep noon.  At lagi na, ni-li-libre ko sya sa pasahe. At lagi na, nahihiya sya sa akin dahil ni-libre ko sya.

Nitong huli na lang kami nagkita ni Auntie Nida.  At iyon ay kung magkasabay nga kami sa jeep.  At sa pagkakataong iyon, ngitian lang at konting kumustahan lang kami.  Bihira naman kasi akong mapasyal sa kanila at di rin naman sya napapasyal sa amin.  Ang lagi kong nakikita ay ang nanay nya, na lola ko nga.

Noon tumawag ako sa bahay para ipa-alam ang pagkamatay ni Arnel, ibinalita rin sa akin ni Tatay na namatay din si Auntie Nida.  Breast cancer ang cause of death. 

Breast cancer?  Ibig sabihin, noong nagkakasabay kami sa jeep lately, me cancer na sya?  Nakakalungkot naman.  Bata pa si Auntie Nida.  It’s either nasa late twenties or early thirties lang sya.  Too young to die.  At sa katulad nyang hirap din sa buhay, hindi biro ang magka-breast cancer.

Auntie Nida, ipinagdasal na kita.  At least kahit papano, ligtas ka na sa further sufferings.  Sana, na-appreciate mo ang munting bagay na nagawa ko sa yo.  Di man tayo nagkausap ng matagal, pero ang munti kong gesture na na-i-ambag sa yo ay tanda ng pagmamahal ko rin sa yo.  Ang Panginoon na lang ang bahala sa yo.  Alam ko rin na hindi Nya pababayaan si Lola at ang mga naiwan mo pang mahal sa buhay.  I-regards mo na lang ako kay nanay pag nagkita na kayo sa kabilang buhay.

S
i Manong Efren.  Tatay sya ni Gary.  Nakasama ko si Gary sa project namin sa Negros.  Ako ay sa government side, si Gary naman ay sa contractor side.  Naging close ako sa pamilya nina Gary kasi malapit ang bahay nila sa project site namin. 

            Naging very supportive ang pamilya nila sa aming mga government inspectors.  At si Manong Efren ay laging nag-aalalay sa amin.  Father-figure na rin namin.

At ikinagulat ko ang pag-text sa akin ni Gary na namatay ang tatay nya sa aksidente sa motor.  Nakakagulat.  At nakakalungkot.  Masakit ang pagkamatay ni Manong Efren.  Grabe ang mga natamo nyang injuries.  Nagdusa pa sya bago namatay. Fifty one year old lang si Manong Efren.

Manong Efren, salamat po sa mga tulong nyo sa amin noon.  Kahit mahirap ang trabaho namin, naging magaan ito sa tulong nyo.  Masakit man na naiwan mo ang pamilya mo, alam kong makakaraos din sila.  I’m sure di naman sila pababayaan ni Gary.  At lalong di sila pababayaan ni Lord.

S
i Glen.  Kabarkada ko sya.  Kaibigan.  Kainuman.  Sya yong taong nakikita ko palagi pag lumalabas ako ng bahay.  Nakakasalubong ko kung mag-lakad-lakad ako sa lugar namin.  At lagi ko syang kinukumusta sa trabaho nya.  Pintor kasi sya. 

Naibalita din sa akin ni Tatay kasabay ng pagbalita nya sa akin ng pagkamatay ni Auntie Nida na patay na rin si Glen.  Nasa mid-twenties lang ito.   Nalaman ko further, na nahulog si Glen sa tambala sa pinagta-trabahuan nyang building.  Nagpipintura sila noon sa labas ng building.

Naalala ko, huli kaming nagkita ni Glen noong minsan na nagkasabay kami sa may talabahan at nagkainuman kami ng beer.  Iyon na pala ang huli naming pagkikita.  Di ko na sya makikita pang muli.

Glen, alam kong masakit ang iyong pagkamatay.  Masakit ang pagkabagsak mo.  Balita ko, matindi ang head injury na iyong natamo.  Kawawa ka naman.  Bata ka pa para bawiin ng Panginoon.  Isipin na lang na kamamatay rin lang ng Kuya Totong mo sa aksidente noong nakaraan.  Halos di pa nga naka-recover ang pamilya mo sa sakit ng pagkawala ng kuya mo, tapos, heto ka na naman.  Pero dapat mong malaman na mahal ka ng Maykapal.  Kasi kinuha ka na Nya.  Nauna ka lang sa amin.  At least, free ka na sa mga problema sa mundo. 

Mami-miss ka namin, Glen. 

P
aalam. At sa inyong apat, di man ako makakadalo sa paghatid sa inyo sa huli nyong hantungan, lagi ko naman kayong isasama sa aking mga panalangin.  You will be sadly missed.


            May you all rest in peace.

Comments

Popular Posts