LiNDoL

Bandang alas singko ng hapon. Hindi, lagpas na pala ng alas singko yun. Sa loob ako ng opisina.  Kaharap ng laptop ko, bigla kong naramdaman ang pag yanig ng lupa.  Mahina muna, tapos lumakas na.


Tumayo ako at lumabas ng opisina.  Napansin ko ang pag-galaw ng bahay namin.  Nakita kong gumagalaw din ang Ford Ranger pick-up na naka-parada sa tapat ng bahay namin.


Lumindol na naman.  


Bumalik ako sa opisina at kaagad binuksan ang website ng USGS.  Na-i-post kaagad ang lindol.


M7, Lae, Papua New Guinea. Magnitude 7 pala.  


Noong nakaraang Disyembre 14, intensity 7.2 naman ang lindol dito.


Pangkaraniwan na ang lindol dito sa Papua.  Kaya di na bago ang pangyayaring ito dito.  Sa mga lokal dito, di na nga nila pinag-uusapan ito dito.


So wag na rin nating pag-usapan.  Saka na lang, pag may lindol na naman uli.

Comments

Popular Posts