The Ugly Trait of Filipino (Voters)
It’s that time again when
Filipinos choose their politicians (or should I say, leader? Me aamin ba na politiko
sya?) It’s that time again that
Filipinos are so divided. It’s that time
again that almost everybody has something good to say for his favoured candidate
and some nasty things to say to his candidate’s opponent. But the big question is, does that
matter? In the end, isn’t it that the
money still matter, right? Umamin kayo,
come election eve, humahaba pa rin leeg nyo sa kakaantay sa perang darating sa
inyo. Nagkakandarapa pa rin kayong
maisama ang pangalan nyo sa listahan ng mga kandidato, right? Since it’s national election, so you expect
your name to be in the list of a presidentiable, senatoriable, congressman,
governor, mayor…down the line. Aba,
malaking pera din yan! Me pambili na ng
bigas, me pang-ulam, me pang-inom at me pang-sine pa! O, di ba?
At pagkatapos ano? Pag naubos na ang pera, ano na?
Titiisin na lang ang natitirang
taon at maghintay na naman sa susunod na eleksyon?
Me halaga pa ba ang kakayanan at
karakter ng mga kandidato?
Forget martial law? Kalimutan na
ang pangungurakot? Kalimutan na ang kawalan ng kakayahan? Mahalaga ba ang lahat ng iyan kung ayan na,
ibinibigay na nga ang pera sa mga palad mo?
Pinag-iisipan mo rin ba kung sino ang nararapat mong iboto? Nakikinig ka rin ba sa paninira sa mg
kandidato? Naniniwala ka rin ba sa mga totoong
kakayanan nila?
Naniniwala ka rin ba na maikli
lang ang memorya ng mga Pilipino? Ano
ang naging reaksyon mo doon sa nagtanong kung bakit laging nakaupo si
Apolinario Mabini? Mahina na nga ba tayo sa history? Yun ngang Martial Law, kelan lang naman ito,
di na alam ng karamihan kung ano ito?
Nakakalungkot isipin na ganito na
ang takbo ng utak ng karamihan ng mga Pilipino.
At kung sakali man, naiisip ko, balang araw, kawawa ang Pilipinas.
Comments
Post a Comment